Advertisers

Advertisers

Biktima ng trafficking nailigtas, escort nadakma sa Davao airport

0 8

Advertisers

ISANG babaeng biktima ng trafficking ang nailigtas ng mga kawani ng immigration matapos na tangkain ng lalaking trafficker na ipuslit ito palabas ng bansa.

Ang biktima na itinago sa pangalan Nina ay nailigtas sa Davao International Airport matapos na magtangkang sumakay ng Scoot Airlines flight patungong Singapore noong Sabado ng hapon.

Sinabi ni Nina na magtutungo siya sa Singapore bilang tourist kasama niya ang kanyang employer, pero inamin din kalaunan na siya ay na-recruit para magtrabaho bilang household service worker sa United Arab Emirates kung saan ang sweldo ay ‘di na pinabatid.



Isinalaysay din nito na inutusan siya ng kanyang kasamang lalaki na sabihing siya ay magta-travel sa ibang bansa bilang personal house helper para sa maiksing bakasyon.

Nang siyasatin ang record ng lalaki ay napag-alaman na siya ay dati nang may ini-sponsor na trip ng isa pang babae na hindi bumalik sa kanyang ‘declared return date.’



Inamin naman ng lalaki na may in-escortan siya na isang babaeng biktima, na umalis patungong Singapore pero lumipat ng Thailand.

Sinabi naman ni BI immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) sa pamumuno ni Bienvenido Castillo III, na hinihinala nila na ang lalaki ay nagre-recruit ng mga Pilipino na magtrabaho sa Middle East pero iniwan ang kanyang biktima na stranded.



Nagbabala naman sa publiko si BI Commissioner Norman Tansingco kontra sa nasabing modus at sinabi pa nito na: “rescue or repatriation becomes a challenge when the Philippine government has no record of a worker’s whereabouts.”

“These traffickers dupe victims into agreeing to such schemes, only to leave them penniless in the middle of an unfamiliar foreign country,” pahayag pa ni Tansingco.

“Aspiring workers should never ever agree to such arrangements,” dagdag pa nito.

Ang biktima at escort ay dinala sa inter-agency council against trafficking.

Mahaharap sa kasong human trafficking ang lalaking escort dahil sa insidente.

“We thank the IACAT for actively pursuing cases against these traffickers,” saad ni Tansingco.

“It makes our job meaningful because we know that these escorts are finally put behind bars,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN)