Advertisers

Advertisers

PULIS, BINARIL-PATAY NG 7-ANYOS NA ANAK

0 10

Advertisers

NASAWI ang isang pulis nang barilin ng pitong taon-gulang na anak na lalaki habang nakikipagtalo ito sa kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Sagay City, Negros Occidental noong Sabado.

Namatay habang ginagamot sa ospital si Police Staff Sgt. Lernie Alacha, 44 anyos, nakatalaga sa Sagay City Police Office, sa tinamong tama ng bala sa leeg.

Sa ulat ni Captain Judesses Catalogo, tagapagsalita ng Negros Occidental Police Provincial Office (PPO), nangyari ang insidente 1:10 ng tanghali sa loob ng bahay ng pamilya sa Barangay San Andres ng nasabing lungsod.



Sa imbestigasyon, nabatid na kinumpronta ng biktima ang kinakasama sa kanilang kuwarto nang magselos ito sa nakitang mga text message ng mga TikTok follower nito na karamihan lalaki.

Nauwi ang pag-uusap ng mga ito sa pagtatalo na narinig ng 7-anyos nilang anak.



Kinuha ng bata ang Glock caliber 17 9mm na service firearm ng ama na nakalagay sa plastic box sa labas ng kuwarto at pumasok sa silid ng kanyang mga magulang, itinutok ang baril sa ama at pinutukan, tumama sa leeg ng biktima.

Nasa kustodiya na ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Sagay City Police Station ang bata para sa kaukulang aksyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">