Advertisers

Advertisers

Grupo ng abogado kakasuhan ang mga kontraktor at public officials sa flood control scandal

0 10

Advertisers

TINIYAK ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na magsasampa ito ng kasong civil laban sa mga kontraktor at public officials na isinasangkot sa ghost flood projects.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton President ng LCSP na ang kanilang pagsasampa ng kasong civil sa mga taong isinasangkot o dahilan ng malawakang pagbaha nitong mga nakaraan sa Metro Manila at nagdulot ng malawakang perwisyo sa mga motorista at pasahero.



Sa ginanap na Quezon City Journalist Forum nitong Martes, Setyembre 9, sinabi ni Inton na kabilang sa kanilang maaaring sampahan ng kaso ang mga matataas na opisyal ng DPWH, mga kongresista at iba pang elected officials na mapapatunayang may pagkukulang sa kanilang trabaho at maaaring ireklamo ng mga complinant.

Ayon kay Inton, kung ginampanan lang sana ng legislators o opisyal ng pamahalaan ang kanilang mga tungkulin ay walang mapeperwisyo sa malawakang pagbaha.

Nabatid pa sa lider ng LCSP na maaaring maging complinant ang mga residente ng Quezon City at iba pang lungsod sa Metro Manila na naaapektuhan ng malawakang baha.

Samantala, nauna nang sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, kabilang sa plano nilang sampahan ng kaso ang government contractors at DPWH insiders na nagsabwatan sa mga natukoy na ghost at substandard flood projects.(Boy Celario)