Advertisers
NAGKAKAHALAGA ng P23.6 billion ng mga iligal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement (PDEA) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong “Bongbong” Marcos.
Sa datos na inilabas ng PDEA, 61,269 drug personalities kabilang ang 4,174 high value target (HVT) sa isinagawang 44,338 drug operation mula July 1,2023 hanggang September 30, 2023 ang nasakote.
Umabot naman sa P23.62 billion hakaga ng iligal na droga na kinabibilangan ng 3,000 kilos ng shabu, 25.78 kilos cocaine, 43,940 piraso ng ecstasy at 2,739,93 kilos ng marijuana ang nasamsam.
Nasa 683 drug dens at isang shabu laboratory ang nabuwag mula July 1, 2022 hanggang Sept 30, 2023.
Habang 27,748 mula sa 42,046 barangays sa buong kapuluan ang naideklarang drug free mula Sept. 30, 2023 at 7,785 barangay nalang ang apektado ng droga.
Ang mga barangay na nadeklarang drug free ay naisyuhan ng certification ng member ng oversight committee on the Barangay Drug Clearing Programs. (Mark Obleada)