Advertisers

Advertisers

Walang artificial power crisis – PBBM

0 10

Advertisers

ISINIWALAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may mga nakalatag nang plano at istratehiya ang pamahalaan upang tugunan ang mataas na presyo ng kuryente sa gitna ng lumalaking panganga-ilangan o demand dito.

Sa panayam ng media sa Pikit, Cotabato, binigyang-diin ni PBBM na walang artificial crisis sa power sector kundi system overload ang nangyayari dulot ng tagtuyot o dry spell.

Sinabi pa ng Presidente na binabantayang mabuti ng gobyerno ang sitwasyon at ipatutupad ang mga hakbang upang makontrol ang presyo ng kuryente.



Samantala, muling hinikayat ni Pangulong Marcos ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tuparin ang kanilang pangako na magtayo ng mga transmission lines upang mapabuti ang suplay ng kuryente, lalo na sa mga lugar na hindi konektado sa grid. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">