Advertisers

Advertisers

Guo, Ong, Roque pinahaharap sa QuadComm sa Huwebes; Duterte ‘imbitado’ rin

0 37

Advertisers

INIMBITAHAN ng Quad Committee sa susunod na pagdinig sa Huwebes sina Alice Guo, Cassandra li Ong at Atty. Harry Roque, kungsaan sesentro sa operasyon ng illegal pogo hubs ang ika-anim na pagdinig ng komite.

Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, tagapamuno ng Quad Comm, iimbitahan ng komite sina Guo, Ong at Roque.

Sinabi ni Barbers, sumulat ang Quad Comm sa RTC Branch 282 ng Valenzuela City na may hurisdiksiyon sa kaso ni Guo (Guo Hua Ping ang tunay na pangalan) para payagan na makadalo sa hearing sa Huwebes.



Si Ong naman ay nasa custody ng Kamara at kasalukuyang naka-detain sa detention facility ng Kamara.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad si Roque, matapos ipag-utos ng Quad Comm ang pag-aresto dahil sa pagkabigong isumite ang required documents para patunayan na wala siyang kaugnayan sa operasyon ng illegal pogo hubs.



Ni-request narin ng Quad Comm sa Bureau of Immigration na maglabas ng hold departure order laban kay Roque dahil itinuturing na siya na fugitive o pinaghahanap ng batas.

Samantala, nilinaw ni Barbers, nanatili ang kanilang imbitasyon kay dating Pangulo Rodrigo Duterte na humarap sa Quad Comm hearing dahil sa pagkakasangkot hindi lamang sa POGO kundi sa extra judicial killings.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">