Advertisers
SA kabila ng wala si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagpapatuloy ng sesyon ng senado ay hindi natinag ang liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano dahil sa nanatili ito sa puwesto sa kabila ng mga ugong-ugong na may planong palitan ito.
Tanging si Dela Rosa lamang ang absent o liban sa session matapos na lisanin nito ang gusali ng senado noong huwebes (Mayo 14,2026) ng madaling araw.
Bago pa man ang pagbubukas ng sesyon ay nagpahayag si Cayetano ng kahandaan sa anumag mangyayari sa kapalaran ng kanyang Senate Presidency.
Subalit ang kaniyang pagtitiyak ay buong-buo ang labing dalawang senador na sumuporta sa kanya upang maupong Senate President.
Kabilang sa mga Senador na ito ay sina Senadora Camille Villar, Imee Marcos, Loren Legarda, at Pia Cayetano, Senador Robin Padilla, Rodante Marcoleta, Mark Villar, Francis “Chiz” Escudero, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva at Christopher Lawrence “Bong” Go.
Naging sorpresa naman ang biglaang pagdalo sa sesyon ni Dela Rosa na bumuo sa bilang na 13 para manalo si Cayetano bilang pinuno ng senado kapalit ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Naniniwala pa si Cayetano na hindi na bago ang usapin ng pagpapalit sa liderato ng senado.
Kaugnay nito sinabi naman nina Senador Juan Miguel Zubiri at JV Ejercito na pawang bumuto ng abstain sa Senate Presidency ay mananatili sila sa hanay ng minorya dahilan upang maging 11 na ang miyembro nito ngunit kulang pa din sila ng 2 senador para isa kanila ang maging Senate President.